Inilagay Mo Ang Iyong Kamay sa Aking Balikat
2008 June 22
at ‘yon na. Iyon na ang katapusan. ‘Pagkat ang pagdampi ng balat sa balat ay may kakayahang magpaguho ng pagkakahulugan, bumuo ng isang panibagong mundo ng mga pakiwari.
Maaaring umusbong ang salitang mahal bilang isang bulong sa pagitan ng balat ko, balat mo. Maaaring magbago ang salitang kaibigan sa sandaling tanggalin mo ang iyong kamay, sa iyong kampay, sa iyong bawat galaw.
Tandaan mong walang salitang mag-aatubiling baluktutin ang kaniyang sarili.
Pilit nilang uunawain ang mga simbolong maaaring wala namang laman.
